Dumating si Dan sa Amerika galing sa Bicol sa tulong ng kanyang kumpare
na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles
kaya masyado siyang maingat. Sa makatuwid, TNT muna siya pansamantala.
Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan na hindi kasama ang kanyang kumpare.
Eh minsan nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan"
sabi ni kumpareng tinatago ang inis. "Heto ang susi ng kotse at mga credit
cards. Magshopping ka naman sa mall para malibang ka. Kung may problema
ka, tawagan mo lang ako sa telepono Papasok na ako sa upisina."
Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbyos na nerbyos siya, sinubukan
niyang lumabas.
Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall.
Nakapili siya ng mga damit na gusto niya.
Ngunit pagdating sa cashier, biglang
nataranta at natakot si Dan.
Tanong ng cashier "Visa or master card".
Karipas si Dan palabas dahil sa takot !
"Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako!
Shet !"
Sakay kaagad siya sa kanyang kotse.
Harurot. Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan kaya
huminto siya sa isang gas station. Nang maglalagay
na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa
speaker "Sir, pay first please."
"Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!
Shet naman talaga ako!" Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang
makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.
(Hingal). Kailangan matawagan ko si kumnpare para masundo niya ako
rito. (Hingal). Pagtaas niya ng handle ng telepono,
narinig niya "AT & T, may I help you?"
Aba, anak ng putakti, alam na TNT ako! Buking na ako!
Pagbaba niya ng telepono, may Americanong natakatayo sa likod
niya, tanong ba naman "Are you done?"
Napahandusay si Dan sa phone booth.
Biglang bulalas, "Double shet! Alam pa ang pangalan ko. "
Nagulat ang tisoy. "Hey, be cool man!"
"Naku! Alam pa kung tagasaan ako..."
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan.
Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na
--- Dan Balikbayan.
Dan The Balikbayan
Labels:
balikbayan,
pinoy jokes