Battle Of The Brainless

"Mr. Orakel contestants............The Battle of the Brainless is back!"

Host: What "N" is the
national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host: Saan "B" binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L"
(Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang
initials ng modern name
nito(Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

Host: Saan "B" tayo madalas pumunta pag summer upang
maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka
doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng
naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

Host: Anong "L" ang tawag sa tao na
sumasagip sa iyo pag ikaw aynalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon
ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy"
at matipuno nga ang kaniyang
katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

Host: Anong "S" ang ginagamit na flotation device sa
dagat upang hindi ka
malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

Host: What "S" is the national flower of the
Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at
dadagdagan ko pa! Anong
pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S",
nagtatapos sa letrang "A", at
kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster of
Asia?
Contestant: Carole KING?
Host:Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa
sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500
Peso bill? Clue,may
initials na N.A.
Contestant:Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi.Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

One more dagdag:

Host: What "K" is the national animal of the
Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!