Kumpisal

Tulume: Father, patawarin po ninyo ako.

Pari: Ano ang kasalanan mo?

Tulume: Nagnakaw po ako ng limang manok.

Pari: Magdasal ka ng limampung Ama Namin.

Pagkatapos ng ilang oras, nakita ng pari nagdadasal pa rin si Tulume.

Father: Iho, hindi pa ba tapos ang limampung Ama Namin?

Tulume: Father, ginawa kong sandaang Ama Namin po ang dadasalin ko. Babalikan ko pa 'yung naiwang limang manok.