Tatlong Tatay

Tatay na Mayabang:
"Ako'y tunay na natutuwa sa aking panganay na lalaki.Nagtapos ng Business Administration sa UP at mayroong. MBA galing sa Harvard. Ngayon, e Presidente siya ng isang malaking Corporasyon. Sa yaman niya, e, binigyan niya ng isang Mercedes at isang BMW yung isang kaibigan niya."


Tatay na mas Mayabang:
"Ako nama'y galak na galak sa bunso kong lalaki. Nagtapos ng Medicina sa UP-PGH at nag Residency sa Sloan Kettering. Ngayon, e Director for Research siya at kandidato para sa Nobel Prize. Mayaman din siya. Biro mo, yung isang kaibigan e binigyan niya ng apartment sa 5th Avenue sa Manhattan."


Tatay na Mahiyain:
"Ako nama'y medyo disappointed dito sa kaisa isa kong anak na lalaki. Mangyari e bakla at saksakan ng landi.Hindi bale na sanang malandi, e kung sino-sino pang lalaki ang mga kinakasama. Hairdresser siya pero mukha namang mahusay makisama. Yung kaniyang BMW at Mercedes, at yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue e bigay lahat ng mga "boypren" niya."